

Pero sumasakit talaga yung puso ko sa nangyayari sa Pilipinas. Alam ko hindi ito ang unang beses na nangyari ‘to, pero sabi nga nila ito ang pinakamalala sa loob ng apatnamput’ dalawang taon. Ang daming naapektuhan, ang daming namatay, ang daming nasiraan ng mga kotse, ng mga bahay, ng mga buhay. Nakakadismaya na may ibang ayaw kumilos. Hindi ko alam kung papaano sila natutulog sa gabi.
Hindi ba nila naiintindihan? BUHAY ITO, buhay ito na maaring naging buhay nila. Hindi ba sila nagpapasalamat na hindi sila nabilang sa mga kawawa nating kababayan na naapektuhan ng husto? GRABE! Nasaan ba yung mga puso nila? Ni hindi man lang sila nag-isip o nag-muni muni kung ano ba ang pwede nilang maitulong? Pinagdasal man lang ba nila ang Pilipinas? Hihintayin pa ba nila na BUONG Pilipinas na ang maapektuhan ng mga darating pang mga kalamidad?
GUMISING NA TAYO, PLEASE. Hindi ito ang panahon para magbulag-bulagan. Tumulong ka naman, malaking bagay na ang dasal, ang mag-donate ng isang daang piso, ang ipamigay nalang yung mga gamit na hindi mo na kailangan. Kumilos naman tayo, please. Isipin niyo sana yung kapakanan ng iba nating kababayan.
maapektuhan ako ng ganito. Kahapon dedma pa ako...nangyayari pero nung nanood